Call Center Life

Pic-Link  
Search Pic-Link
Home |  Search Members |  My Account |  My Messages  |  My Buddies |  My Journal |  Chat Room |  Classifieds |  Jobs
 Log-In  Sign-Up


 
Top Entries Latest Entries Search Journal
 

 
Call Center Life
 
Created on: Jul 02 2009 @ 04:33 PM
Page View: 456

Mood: Wink Wink
Bookmark and Share
Send Message
View Profile
View Photos
View Buddies
Add Impression
Add to Buddy List
Read Journals
Report User
Login to Rate this Journal
Rating: 0 Number of rates: 0
 
 

"Thank you for calling ***tech support my name is *** tech id *** can i have your first and last name pls?" . yan ang paulit ulit mong sasabihin mag damagan sa harapan ng computer habang nakikipag usap sa mga kano. May suot na headset at mabilis ang kamay sa keyboard. Depende parin iyon sa papasukan mong account.


Lingid sa ating kaalaman ang call center ay isa sa mga patok na trabaho ngayon. Bukod sa madali ang pasok ng pera ay malaki pa ang kita. Basta ok kang mag english, di ka mahihirapang mag apply dito. Halos naglipana na rin ang mga Call Centers dito sa Pilipinas lalo na sa Maynila. Halos lahat yata ng parte nito ay meron. Sa QC, Makati, Ortigas, Libis at maging sa mga probinsya na rin.

Maraming nagtatanong kung anong meron sa callcenter, kung pano ba mabuhay sa ganitong klase ng trabaho. Para sa mga baguhan, marahil ay mahirap sa umpisa.

Maraming haka-haka tungkol sa mga Call Centers lalo na sa mga nagtatrabaho dito. Agents ang tawag sa kanila. Sabi nila pag daw sa Call Center ka, nagbebenta ka, kung anu ano. Sabi naman ng iba abnormal ka daw pag pumasok ka dito kasi tulog ka sa umaga at gising ka sa gabi.

Maaga akong namulat sa buhay. Ako yung tipo ng taong ayaw umasa kanino man. Hindi naman dahil rebelde akong anak ngunit ganun kasi ako pinalaki ng aking mga magulang. Huwag daw umasa sa iba at matutong tumayo sa sariling paa dahil darating at darating din ang panahon na mawawala din sila.

17 years old ako noon. Batang bata ngunit mulat na sa kahirapan ng buhay. Noong una talaga ay gusto ko ng magtrabaho dahil nga gusto ko rin maranasan kung pano ang kumita ng pera. Mahirap lang kami at alam ko na kapag nakapagtrabaho ako ay kahit papano ay makakatulong ako sa aking pamilya. Wala akong ibang naisip na trabaho nun bukod sa pumasok sa Call Center. "Matanggap kaya ako dun?" "Pano kaya un?" isa lang yan sa mga tanong na sumagi sa aking isipan.

Highschool palang ako nung una akong umapak sa Maynila. Di alam ng mga magulang ko na pumupunta ako dun ng magisa. Isang bus lang kasi ang layo ng Maynila at di ka naman maiinip sa byahe. Madalas ako sa divisoria. Ewan ko ba bakit un ang una kong napuntahan. Naakit din kasi ako sa murang paninda nila palibhasa estudyante kailangan talagang ibudget ang lahat. Laging sa Avenida ang aking baba. Tapos sasakay lang ako ng jip pa divisoria. Ganun lang ka simple. Sabi nila delikado raw sa Maynila. Maraming manloloko at mandurukot. Siguro nasasayo nalang iyong kung magpapakatanga ka at hayaan mong mangyari syo iyon pero sa awa ng Diyos hanggang ngayon ay wala pa naman akong naeencounter na ganun. Ung tipong may mararamdaman ka na nakatusok sa tagiliran at hinahablot na ang bag mo. Okaya naman aagawin ang celphone mo ng nakamotor with matching takip sa mukhang notorius na notorius talaga ang dating.

Karamihan sa mga nakilala ko isa lang ang sinasabi...di raw ako mukhang 17. I took it nalang as an advantage hehe para ng sa gayon pag nagaply ako ng trabaho ay di halatang bata ako. Siguro dahil na rin matangkad ako at medyo matured.

Noong una ay di ko alam pano magsimula. Wala akong kaalam alam kung pano magapply sa Call Center. Humanap ako sa internet. Una kong nakita ang Jobstreet. Isang site na alam kong di na bago sayo. Kaagad akong gumawa ng account at inupload ang aking Resume. Nakakatawa ang aking Resume. 80% ay totoo at ang 20% ay joke. Siyempre nilagay ko doon na 18 nako. Tapos ang picture ko ay kuha lang sa mga pics ko sa friendster. hahaha ung tipong pang 2X2. Halos araw araw kong chinechek ang email ko nun. Mahirap nang mapagiwanan. Uy may opening! kaagad akong nag apply doon. Dahil sa katangahan ko una kong inaplyan ay sa Jobstreet mismo. Lumuwas ako agad para sa interview. Shit talaga! Para akong tangang iniingles ang sarili ko. Natatawa ako minsan ngunit yun lang ang paraan para matuto ako. Minsan talaga kailangan mong mag mukhang tanga sa ibang bagay para matutunan ito.

Dumating ang araw ng interview. Unang Tanong: "So why did you choose to apply as a call center agent?". "Ahmm.. because I would like to earn big money." samahan pa ng Conyo accent! Ikalawang tanong: "Uhmm ok. So can you tell me about yourself which is not written in your resume?" "Sure! Im actually studying now and I'm just 17." (patay na!) "Oh really? you dont look 17." "I know." "Ok thanks! just wait in the lobby and I'll call you up for the results later ok?" "Alright!"

Nagantay naman ako sa lobby. Grabe ang daming nagaaply puno ang lobby. Naalala ko pa ang suot ko noon. Nakatshirt lang na put at black pants. After kasi nun papasok ako sa skul eh nagkataon pa na hapon pa ang pasok ko. Ilang saglit pa.. tinawag ang pangalan ko. Sobrang kabado ako at siyempre umaasa na matatanggap ako. "Ok Uhmm.. to be honest with you, you passed the interview. But somehow, some qualifications of the company was not met. We need full time employees here and atleast 18." "awww ok". (sabi ko na nga ba di ako matatangap dahil sa age ko). "You try to reapply as soon as you reached 18 and we'll be glad to schedule an interview again for you." "ok." Tae. wala akong nasagot doon. Naging blanko ang utak ko nun at sobrang nalugmok. Kaya ko naman ang trabaho ah! Bakit ung iba nakakapasok kahit na underage?! Unfair!!

Inisip ko nalang na di para sakin iyon. Unti unting nagbago ang pagtingin ko sa Call Center. Akala ko noon madali lang pumasok. Pero imbes na malugmok ako, inisip ko nalang na kung nagkataon palang 18 ako marahil ay natanggap ako. Naghahanap pala sila ng mga potential agents at irerefer nila ito sa mga Call Center Companies. grr! Ngayon alam ko na kung pano makalusot sa interview. Di ko kasi kayang magsinungaling pagdating sa interview at kung may pagkakataon man siguradong huli ako dahil mahahalata sa aking mukha na iba ang totoo sa hindo. kahit papano may positive things rin palang naidulot ang pagapply ko sa inaakala kong isang Call Center.

Lagi ko paring chinechek ang aking emails araw araw. Umaasa na sana may maaplyang trabaho. Nasa anatomy lab ako nun nung biglang nagring ang aking phone. "Hi this is joyce from **** are you still inetrested in pursuing your application to us?" "Sure." (Si joyce, HR ng isang Call Center sa Libis) "Ok so lets start. I'll ask some personal information first from you." "Ok." "So how old are you now?" "Im 18." napapikit talaga ako dun. "Ok still in school?" "Nope. I stopped already on my 2nd year." Tinanong pa nya ako kung pano daw pumunta sa Maynila mula sa Probinsya ko. "Ok I guess you just need to work on your grammar a lil bit but you are good. So when are you available for the 2nd interview?" "Ahmm next week." "Ok." Sinabi pa nya kung pano pumunta sa office nila. At Oo lang ako ng Oo kahit di ko masyadong naggets. Nosebleed talaga.


Sa pagkakataong iyon di ko pinansin ang tawag niya. Siguro parang nadala na rin sa una. Lumipas ang ilang mga araw at linggo. Di ko parin iniimikan ang application ko sa kanila. Medyo bc na rin kasi sa skul nun at sobrang dami ng ginagawa. Hanggang sa nawala sa isipan ko. Dumating ang "special friend" ko mula sa probinsya. May aatendan daw kasi siyang competition sa tarlac. Debate yata mahilig siya sa ganun. Dahil wala siyang kamag anak ay sinabi ko sa kanya na dumaan nalang siya samen pag natapos ang debate competition nila para ihatid ko siya sa airport. Dumating ang araw na inaantay ko matagal na rin kasi kaming di nagkikita. Tumuloy siya ng mga ilang araw samin at hinatid ko narin siya sa airport. Sa MIA ko siya hinatid noon at muntik pa kaming maligaw dahil di rin ako masyadong pamilyar sa lugar. Biglang sumagi sa isipan ko ang sumaydline.

Anu kaya kung puntahan ko ung sa Libis? Pumasok na siya sa loob ng airport, as usual naiyak ako at ganun rin naman siya. Yun parati ang malungkot na sandali sa airport. Ang paglisan ng isa sa mga mahal mo. Enough of that! Going back.... hahahaha! So i went to Libis even if I dont have any clue on how to go there ang naalala ko lang na sabi ni Joyce ay malapit daw ito sa Cubao. Dali dali akong pumunta ng Cubao at unti unti ko na ring natatanggap na di nanaman ulit kami magkikita ni "special friend" ng napakahabang panahon.

Nakarating nako sa Cubao. Kaagad kong pinagtanong kung san ang papuntang Libis. "Doon pa.." "Doon banda pa 'yon!".. hay nako puro turong baluga sila. Nakasakay ako ng jip papuntang Rosario ang sabi ko kay manong ay ibaba ako ng Eastwood. Nabawasan ang aking kaba. Pawis na pawis ako. Wala akong ni isang dalang kahit ano bukod sa wallet ko at sa sarili ko. "Oh.. city bank.. city bank jan dito na babaan.." "Tawid ka lang jan" sabi sakin ng tsuper. "Sige po salamat." Maganda ang Eastwood.. sobra .."gusto kong magtrabaho dito!" sambit ko sa sarili ko. Halos kumpleto na ang kailangan mo. May condo, mga fastfood chains at shopping malls. May mga bangko din at 711. "Hayy ganda dito sana dito nalang ako tumira." malayo sa itsura ng aming bahay at ang buong paligid ay tila kay saya. Mag 11am na.. takte! wala akong dalang resume..hahaha! sa lahat ba naman ng nagaaply..hai, hahah "bawal ang tanga!" sabi ko sa sarili ko. hehe Dali dali akong naghanap ng computer shop at pinaprint ang aking resume. buti nalang nasave to sa email ko. Ayos! Pwede na! Ang simple ng resume ko. Halos walang laman at sobrang payak talaga.

Nakarating ako sa gusali ng aaplyan ko. Tinanong ako agad ng SG kung san ako papunta. Sabi ko sa **** "Ok sa 5th floor po sir. Mag log po muna kayo sa reception at magiwan ng valid ID." ID ko sa skul ang binigay ko sa SG na babae. "Ok 5th floor po sir." Sumakay nako ng elevator at wala itong laman pinindot ang 5.. "ting" sabi ng elevator sabay bukas neto. "Yes sir?" sabi sakin ng receptionist. Maganda lagi ang mga receptionists.hehe un ang napansin ko. Siguro kailangan mo talagang maging maganda dahil ikaw ang unang nakikita ng mga guest sa inyong kumpanya. "Ahhmm Im here po for 2nd interview. I was interviewed na over the phone." "Ok wait lang po Sir ah upo po muna kayo". Nag antay ako ng ilang minuto at lumabas ang isa sa mga HR. "Are you Mr. ***?" "Yep." Hiningi nya ang resume ko nagdadalawang isip pako nun kasi baka pagtawanan nya to. hahaha! "Ok just wait there and someone will call you for your final interview."

Kinabahan akong bigla ng marinig ko ang "final interview" sa isipan ko parang sobrang bilis naman yata. Pero siyempre natuwa rin ako. Do or Die ito shet! Bahala na si Batman. Dumating ang isa pang HR sinigaw ang pangalan ko sa lobby.. kakahiya..hehe dami kong kasama nun. Malaki siyang tao, medyo may katandaan na rin at bading yata siya sa tingin ko. Pinapasok niya ako sa reading lounge nila at dun nagsimulang magtanong. "So you're from Pampanga?" "Yes sir" "So if we're going to hire you where are you going to stay here?" "Ill find a place near here so that I wont have a hard time reporting to work." "Can you tell me about your province?" At ako naman daldal lang ng daldal lagi siyang may minamarkahan sa kanyang hawak na papel. "Shit ang dami ko na yatang mali" sitsit ko sa sarili ko. Daldal parin ako ng daldal at halatang tinitignan nya talaga ng mabuti kung san may mali. Di naman niya ako sinasabihan basta ang alam ko nageenglish ako at siya naman ay nakikinig ng mabuti. Natapos ang aking pagkkwento at ako'y nakahinga na ng maluwag. "Ok just be right back after lunch to get the results."

Sa palagay ko, Ok naman ang aming naging kwentuhan. Lagi lang akong nakangiti sa tuwing sinasagot ang mga tanong nya. "I dont know" lagi ang sagot ko pag diko alam talaga at ngingiti ulit. hahaha! Naglibot muna ako sa lugar habang inaantay ang 1pm..ang bagal ng oras noon marahil dahil inaantay ko ito. At sa wakas ay pumatak ang 1pm bumalik ako kaagad sa lobby at naginginig sa kaba pinapawisan ako ng malagkit "Oh my God! Ito na to!". Lumabas ang isa sa mga HR. May hawak siyang 2 papel. isa ay green at isa ay plain koponban lang. Tinawag niya ang una sa listahan at binigay ang koponban. Survey ang laman ng koponban at sumunod ay tinawag ang aking pangalan. Napunta sakin ang papel na may green. "Ok so congratulations! You did it. Now next thing that you need to do is to accomplish these requirements asap." Nakasulaty sa greeb na papel ang lahat ng kailangan. NBI, SSS, Birth Cert, etc. Sinabi rin nya kung san magpapamedical at pano kumuha ng iba pang requirements. Dun ko lang nalaman na tanggap pala ako! yehey! grabe! nakahinga nako ng maluwag! Di natanggap ang isa kong kasabayang nagaply. Walang mapaglagyan ang aking saya! Ganun pala ang filing pag nakuha mo ang inaasam asam mo. Sobrang sarap at gaan sa pakiramdam.


Umuwi ako samin na masya. At wala pang nakakaalam na magttraining nako sa susunod na linggo. Nagdadalawang isip ako kung papayagan akong magtrabaho sa maynila. Pero sa palagay ko naman ay oo di naman sila strikto sakin. Alam na rin nila na gala akong bata kung saan saan napapadpad. Naalala ko nung bata pako, bago ang aking bisikleta nun. Sarap gamitin. Nakarating ako sa Palengke sa bayan hahaha! malayong malayo ito samin..naisipan ko lang puntahan at natuwa naman ako kaya inulit ko ito ng ilang beses. Naranasan ko rin na maiwanan ng mga kaibigan ko nung mageexam kami sa PSHS. grade 6 ako nun at ang usapan ay magkikita kami sa bahay ng isa pa naming kaibigan ng 8am. 7:55 ako nakarating pero iniwan parin nila ako kaya wala akong choice kundi bumyaheng magisa. Pagbalik ko samin ay nagduda pa ang mga magulang ko kung nakapagexam daw ba talaga ako. hahaha! Nakapagexam nga ako di nga lang pumasa dahil ang hirap ng entrance exam! filing ko nun ung mga batang di na natutulog sa gabi sa kakaaral lang ang nakakapasa dun. Ung mga tipong nerd kung tawagin.

"Ahhhhmm.. ma, natanggap ako sa trabaho bilang isang agent sa maynila. Nagapply ako online at training ko na next week." Nashock si inay pero parang expected na niya un sa mukha nya. Ang plastic!! hahaha Alam mo ung kunwari nashock pero di naman! haha! "San ka naman titira dun?" "Bahala na marami naman dun eh.." Nagaalangan si inay na payagan ako pero wala rin naman siyang magawa. Kilala ako ni inay malakas ang loob, di basta basta sumusuko at kayang lampasan ang anu mang problema. Yun ang tingin niya sakin sa 4 namin kasing magkakapatid masasabi kong ako ang pinakamatino..sa lahat ng nangyari sa buhay namen. hehe

Madali akong nakahanap ng tutuluyan, una bedspace lang at nagumpisa na ang training. Grabe halos araw araw akong nageenglish nun. Minsan pati panaginip ko ay english! hahaha magaling naman ang trainor namen at naiinspire akong matuto. Sineryoso ko ang training at nakapasa naman. Dun ko nalaman na di mo talaga matututunan ang english sa skul na kahit hanggang english 10 pa yan! Simple lang, kailangan mo lang magpractice o gawin ito ng paulit ulit, natatawa ako nung una pero nasanay rin naman di kalaunan.

Dumaan ang isang linggo. Naks! Bday ko na! hahaha! Dun ako nag 18 hehe atleast sakto diba. Un din ang umisa ng product training. Cable TV ang account. Kung baga dito un ung Dream TV or Sky Cable. Sasanayin ka kung pano kukumpunihin ang TV, Remote Control at ang Sattelite Receiver ng kumpanya sa pamamagitan ng pagbibigay ng instructions sa kausap sa telepono. In short Technical Support Representative! Ok naman ang training madami kang matututunan. Umabot din yun ng halos 2 weeks.


Natapos ang training..heto na.. totohanan na to.. kinakabahan ako. Mga kano na kasi ang kausap mo at wala akong ka ideidea sa ugali nila. Binigyan kami ng tig isang headset. Plantronics ang tatak at pinaupo kami isa isa sa mga pc flatscreen ang monitor at may telepono sa side nito. Ito na marahil ang tawag nilang Avaya. Di ito pangkaraniwang telepono. Mayh mga additional buttons ito. May Aux, After Call, Auto In, Queue Call, Speaker at Conference. Tinuruan kami kung pano gumamit nito at kung pano sagutin ang tawag. Pinagpapawisan ako halatang kinakabahan. Parang entrance test sa UP ang pakiramdam. Tinitignan lahat ng mga notes bago magtest.hehe

Tumunog ang Avaya! xet anung gagawin ko.. "Kaya mo yan! :)" sabi ni Carmen. Si Carmen ay tumayong parang Team Leader namen. Napakabait nya at pag tumawa ay wala ng matang makikita! hahahaha bukod pa doon ay sobrang tining ng boses nya! hehe "Thank you for calling Dish Network, the leader in HD and DVR Services My name is Carl, can I have your phone number starting with the area code pls?" walang putol yan! haha medyo mahaba pero pag nasanay ka kahit nakapit eh alam na alam mo yan. naginginig ang mga kamay ko at namamasa. hehe palibhasa pasmado. Todo script ako nun laging nakatingin sa kodiks. :D Mabuti nalang ay naresolve ang issue nya. Masaya ang pakiramdam kapag nakakapagpasaya ka ng tao sa pamamagitan ng pagtulong. Medyo mahirap sa una pero di kalaunan ay nasanay na rin. :D

Marami akong napansin sa mga kano. Una, Maikli ang pasensya nila sobrang ikli! pero meron parin namang mga kano na sobrang haba ng pasensya.. yun ay ang mga matatanda! hahaha! Ikalawa, tanga ang mga kano. Di tulad ng pinoy na gagawin talaga ang lahat para malaman kung ano ang problema saka susuko pag walang wala na. Pero sila, Gumalaw lang ng konti ang TV okaya nawala lang sa channel kaagad tumatawag. Di muna sinubukang bukas sindi ang TV o kaya'y hanapin ang Video nito para makabalik sa Cable. Ayaw din nilang may ginagalaw ng kahit na ano kung may problema. May pagiisip sila tulad ng obstruction of justice. Gusto nila iba ang tumingin noon lalo na kung bigla nalang humintong gumagana ang kanilang TV. Pag naman magpapadala ka ng technician sa kanila, ayaw naman nilang magbayad! Kailangan talaga minsan ng sobrang pasenxa. Di ka magtatagal dito kung wala kang ganun. Halos lahat ng makakatabi mo ay puro nagmumura. Oo! Putang inang yan! Gago ka pala eh! Fuck you tanga! Tangina mo! atbp. Lahat ng mura maririnig mo sa floor, floor kasi ang tawag sa kung saan ka magttrabaho. not literally sahig ofcourse. Minsan talaga maiiyak ka nalang sa sobrang tanga ng kausap mo. Kailangan mo lang talaga ng sobrang pasensya.. sobra talaga! as in sooobra!

May mga araw din minsan na mawawalan ka ng english sa katawan. Oo! ung tipong nauutal utal ka at ang lagi mong maririnig sa kausap ay " Say what now?!" "Pardon?" "Huh?" mga nakakainis pakinggan. Minsan may makakusap ka at mapagkakakamalan kang bumbay! haha! darn talaga! pero di yon maiiwasan. May makakausap ka rin namang mga pinoy na trying hard mag ingles. Halata talaga na pinoy dahil sa accent. Tapos ang kapal pa ng mukhang mag irrate eh mali naman ang grammar! hahaha! May mga customers din na asian chinese, mexican at korean. Un ang lagi kong inaabangan dahil magpapatransfer lang sila sa nagsasalita ng kanilang lenguahe. Bawas AHT din un. Average Handling Time pala un. Un ung isa sa mga binabantayan mo dahil parte yun ng metrics. Metrics ay un ung parang quota mo araw-araw na kailangan mo i meet para magsurvive. Katumbas nito ang ilang pasada ng jipney driver maghapon para may makain ang kanyang pamilya sa araw na iyon. Araw- araw makakatanggap ka ng maraming tawag. Queueing kasi lagi doon.. ibig sabihin bukod sa kayong lahat sa floor ay may kausap ay may nagaantay pang iba sa linya..sobrang dami...minsan umaabot ng isangdaan. haha! Siyempre sa una ganado ka pa..bago eh.. Napansin kong ang bilis ng oras.. panggabi ako noon..di ka aantukin dahil lagi kag nagsasalita..at mabilis talaga ang oras pag gabi..Mahirap mag adjust sa una. Abnormal talaga ang buhay mo minsan dahil mulat ka sa gabi at minsan hirap makatulog. Nangayayat ako nun at tuwing umuuwi ako samin ay pinapainom ako ng gatas ni inay. "Bumili ka nung bearbrand!" sabi niya. Sinunod ko naman siya at nasanay na rin naman ang aking katawan.


Pansamantala akong tumigil sa skul noon dahil narin sa sobrang mahal ng tuition ng "cors ng bayan" ay di namin nakayanan. Sabi ko magiipon ako at mageenrol nalang next sem. Tumagal ako ng ilang buwan doon. So far so good naman. Di ko masyadong naenjoy ang una kong sahod dahil ang dami kong kailangang bayaran. Sa upa, sa mga inutangan at mga personal na gamit. Pero masarap ang pakiramdam na pinaghihirapan mo ang perang ginagasta mo. Mahirap ngang kumita ng pera! Totoo nga! Well mabuti nalang ay di ako sinanay sa luho. Sanay ako kahit tuyo lang ang ulam at magpaypay sa gabi tuwing walang kuryente. Tama nga sila malaki ang sahod sa Call Center. Minsan ay nabibigla nalang ako pag nagcchek ako sa ATM. Di naman ganun kalaki pero naninibago lang siguro ako dahil di ko pa naexperience ang magkaroon ng ganung kalaking pera. Pero isa lang ang aking nasabi.. "masaya!"

Madali ang buhay sa Call Center. Pag Auto In mo, di mo mamamalayan ang oras... minsan parang kaka in mo palang, log-out kana pala. . Di mo rin mamamalayan ang panahon dahil minsan may pasok kayo kahit holiday. Di mo narin alam ang latest sa TV. Nagtaas na pala ang presyo ng Pop Cola sa tindahan dati ay 15 lang ngayon 18 na pala. Marami kang makakaligtaan minsan. Naging napakabilis ng mga panahon at nagtagal din ako ng mga 6 months sa kumpanyang iyon. Sabi nila "Its not the company but its people." Tama yun. Minsan nakakasawang mag calls ng paulit ulit. Parepareho ang tinatawag nila pero dahil sa mga kasama mo kahit papano nakakalimutan mo ang pagod kahit di mo man masyadong gusto ginagawa mo masaya parin kasi anjan sila. Dadamayan ka pag na long call okaya kapag namemohan ka. Marami ka ring makikilalang tao sa Call Center at halos lahat na yata ng klase meron dito. May pasosyal, mukhang pulubi, nanay, tatay, ate at kuya, meron din na tinry lang ang luck at nakapasok (parang ako).


Naregular naman ako sa kumpanyang pinasukan ko. Grabe akalain mo 6 months nako! hahaha! May mga pagkakataon ding magsasawa ka at ayaw mo ng pumasok talaga ung tipong gusto mo ng bumalik sa dati mong buhay at dati mong pagtulog. Kinulangan ako ng motivation at pinuna lahat ng paghkukulang ng kumpanya. Di nagtagal at nagresign din ako. Di ko kasi nakikita ang sarili ko 5 years from now sa gusaling iyon di ko rin maramdaman na magtatagal ako dun. Para tuloy napagtanto ko na ang buhay Call Center ay panandalian lang, unstable. Pero wag ka malaki laki din ang nakuha kong back pay! :D


Wala akong choice nun kundi maghanap ng panibagong trabaho este kumpanya. Though di ganun kaganda ang aking naging karansan sa dati kong kumpanya wala akong choice dahil kailangan ko ng pera. Tinry ko sa Cubao pero di sinwerte, final intrerview ko nun tinanung kasi ako kung ano ang philosphy ko sa work at ang sagot ko? "If you work harder, you deserve to get a higher pay." Ewan ko parang walang sense ang nasabi kong un. hahaha! Pero un talaga ang pumasok sa utak ko. hahaha! At un nga sumunod na binigay saken ay regret letter. hahahaha!!

Nawawalan nako ng pagasa nung mga panahon na un. Mahirap ang mabuhay magisa lalo na malayo sa pamilya. Di parin ako huminto kahit na naiiyak nako. hahaha! Maaga akong gumising at pumunta sa Makati. Un kasi ang naisipan kong pag aplyan since maraming callcenters dun. Nakasakay nako ng MRT at naisipan kong bumaba sa Ortigas station di ko alam at bigla akong tinamad.. Nalalayuan kasi ako sa Makati kaya tinry ko muna sa Ortigas.

Aun sa kabutihang palad nakapasok ako sa isang Call Center ulit. Medyo mababa ang sahod kaya nagdalawang isip ako. Di nako nagpaka choosy pa dahil wala na rin naman akong choice kailangang kailangan ko na talaga ng pera at tamad narin ako mag apply sa iba. Paulit ulit ang tinatanong at paulit ulit din ang kabang mararamdaman mo!

So far.....so good naman. Magiisang taon nako rito. Masaya naman at flexible ang schedule wala pa naman akong makitang mali sa kanila. Lahat OK pati ang sahod pag nagtagal ka ay magiging OK narin. Bumalik ulit ako sa skul at nagshift ng ibang kurso at magiisang taon na rin akong working student. Aral sa umaga at trabaho sa gabi. Kung iisipin mo mahirap.. Oo! ayokong maging plastik mahirap talaga.. kahit sa lovelife nawalan narin ako ng oras. Pero gayun pa man masaya parin dahil kahit papaano may napapatunayan ako sa aking sarili. Malaki ang naging parte ng Call Center sa buhay ko at nakatulong ito ng malaki. Malaking malaki at masasabi kong binago nito ang buhay ko at ang pananaw ko sa trabaho. Minsan wala rin yan sa skul na pinasukan mo at kursong kinuha mo. Pag nag Call Center ka lahat ng oprtunidad pantay pantay basta kaya! :D

PS. Nga pala pagkagraduate ko, Malamang hahanap muna ako ng ibang trabaho na related sa course ko siyempre at di ko parin naman sinasara ang pintuan sa pagaabroad. Okaya malay natinmagtagal ako dito sa Call Center. Bahala na si batman! :D

 
 
 
 
Feature SuggestAdd CommentSend this Journal to a Friend


Registered users may write comments here

Comment by: marjun005
Posted on: 07-04-2009 @ 02:50 pm

i like yr story...



Comment by: preppy_noi
Posted on: 07-03-2009 @ 06:38 pm

hoi Katas ng Saudi!!!! hindi porket nag post ng istorya dito eh kailangan may haling sex na ang istorya!!! hindi lahat ng tao tulad ng pagiisip mo!!! bat hindi ka na lang kaya manahimik!!! palibhasa siguro tigang ka dahil jan sa saudi puro mga paking shiyet mga tao!!!



Comment by: katas_saudi
Posted on: 07-02-2009 @ 08:54 pm

eh nasan ang sex episode mo habang nasa call center work! haba haba kwento! pati pagsakay sa jeep sinama wala nman palang pampainit ng lammmaaannnnnnn!!





 
Help | Privacy Policy | Terms and Conditions | Advertising  
Copyright © 2003-2008 Pic-Link. All Rights Reserved