chances (part 2)

Pic-Link  
Search Pic-Link
Home |  Search Members |  My Account |  My Messages  |  My Buddies |  My Journal |  Chat Room |  Classifieds |  Jobs
 Log-In  Sign-Up


 
Top Entries Latest Entries Search Journal
 

 
chances (part 2)
 
Owner: best_buds
Created on: Sep 08 2008 @ 12:30 PM
Page View: 182

Mood: Goofy Goofy
Share this Journal:
Digg Sphinn del.icio.us Facebook Mixx Google Technorati Live Reddit StumbleUpon MySpace
Send Message
View Profile
View Photos
View Buddies
Add Impression
Add to Buddy List
Read Journals
Report User
 
 

Naging habit ko na ang “mag-mark all” at magdelete ng mga group message tuwing gigising sa umaga o kundi man ay sa gabi. Siyempre, pinipili ko na, “ina-unmark” ko lahat ng messages ni John at isa-isang babasahin matapos pagbuburahin ang message ng iba. Alam ko naman kasi na puro chismisan lang yon. Masyadong open ang buhay ni John sa clan. Kung sa bagay, hindi ka naman talaga mahihiya magkwento kung ganoon kaganda ang mga nangyayari sa buhay mo. Alam kong single siya kasi yun ang sabi niya sa group message at ng mga kaibigan namin. Nagtataka lang ako paano naging single ang isang katulad niya. Minsan napapaisip ako na baka hinihintay pa niya ako pero alam kong malabo pa yun sa malabo. Ni hindi kami magkakilala, ni hindi magkaibigan, maging mag-partner pa kaya. Masyadong malayo sa katotohanan.

Naging bahagi na ng buhay ko araw–araw ang ngumiti habang binabasa ang mga mensahe niya. Maaring sa iba ay trash or spam message nalang din ang mga group messages niya, pero para sa akin, ito ay naging mahalaga na. Nagmamahal na ako sa taong ni hindi alam na mayroon palang ako, minahal ko siya dahil lang sa nakita ko sa picture at sa mga nalalaman ko araw-araw sa text niya at kwento. Hindi naman siguro masama, single naman ako at single din siya. Sabi nga nila diba… hindi masamang mangarap.

Di katulad ng mga nakasanayan kong mensahe niya, iba ang nabasa ko noong araw na iyon… “group message : para sa iyo ito, sana alam mo kung sino ka, im falling inlove with you natatakot lang ako na i-approach ka kasi baka ma-reject ako.gud am sa lahat.” Sobrang gulat ang naramdaman ko sa message na iyon. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. Mixed emotions. Di ako pwede tumalon sa galak dahil di naman ako iyong tinutukoy. Gaya nga ng sabi ko malayo sa katotohanan. Hindi kami magkakilala. Hindi din naman ako pwede umiyak o malungkot dahil wala naman akong karapatan and besides, single ang tao kaya pwede yun. Parang may sumisigaw sa akin mula sa kawalan na “hoy wag kang feelingero, hindi ikaw yon, hindi kayo magkakilala, hindi niya alam na nag-eexist ka, ni hindi niya alam na may ikaw!” hindi ko talaga malaman ang mararamdaman ko at ang pinakamasaklap, wala akong lakas ng loob magtanong sa kanya kung sino iyon.

Hindi pwede maging masaya. Hindi pwede magalit. Hindi pwede malungkot. Pwede magtanong kung sino. Hindi ko naman kaya.

Nalungkot ako… yun ang totoo, nakakatawa lang isipin kasi hindi naman talaga dapat big deal sa akin ang nabasa ko. Nagpatuloy ang ganitong flow na message niya araw-araw. Lagi niyang sinasabi kung gaano na siya nahulog sa taong yun, na mahal na talaga niya ito. Sinasabi din niya kung gaano ang pagkagusto niya na makasama ang taong ito. Alam kong sobra siyang eager siya sa taong yun pero hindi gaya ng nakasanayan ko sa kanya na pagiging open iba na ang mga text niya ngayon at hindi niya masabi kung sino ang taong tinutukoy niya.

Tumambay kami ng mga kaibigan ko onetime, puro mga ka-clan ko ang mga ito, apat ata kami o lima. Nag inom kami sa isang bar malapit sa school ko. Tinatanong nila ako kung bakit daw di na ako active sa clan at magsend naman daw ako ng group message kahit once a week lang para malaman naman daw ng mga newbie na merong “Jasper” sa clan. Yun nga pala ang pangalan ko. Sabi ko medyo busy lang ako sa trabaho at pagod naman na ako pagdating sa bahay kaya hindi ko na maasikaso ang mga ganoong bagay sa ngayon pero nangako narin ako na susubukan ko. “oo nga para makarir ka ng mga batch biatch! Ung batch 2 this year… panalo sila lalo na si John” sabi ni Migi sabay tingin kay Popoy na partner niya. Tumawa lang ako at nagtaka kasi wala naman silang alam sa nararamdaman ko ngayon. Wala parin naman akong napapagkwentuhan, yung mga bagay na nalalaman ko sa kwento nila ay di ko naman tinatanong, ang totoo ay halos lahat naman ng gwapo sa mga ka-batch ni John pinagkekwentuhan nila, ako, nakikinig lang.

Pag-uwi ko sa bahay, naisip ko ang sinabi nila, sige nga makapag-group message. At yun ang ginawa ko… “JASPER :: GM :: ANIMO kmusta kau? Ung mga walang magawa jan, txtx tau… if u wanna know more specially sa newbies, just ask me…” walang nagreply. Nagising ako ng mga 2:30 A.M. lumabas ako sa terrace ng bahay namin para magyosi at uminom ng tubig. Habang naninigarilyo, naisipan kong magpatugtog ng mp3 using my cell phone. 1 unread message. Bago lang ang message mga 2:20 A.M. lang sinend, 10 minutes bago ako magising. “ei, im on my way to tagaytay, taga dasma ka db? Pwede ba kitang daanan?” sobrang nagulat ako hindi sa mensahe kundi sa sender. Si John…


to be continued...
feel free to post your comments...

 
 
Login to Rate this Journal
Rating: 0 Number of rates: 0
 
 
Add CommentSend this Journal to a Friend




Registered users may write comments here

Comment by: jaguar_88
Posted on: 09-08-2008 @ 12:56 pm

dyan ka na cguro liligaya tol...wish u luck tol...i'm happy for u...huhuhu





 
Help | Privacy Policy | Terms and Conditions | Advertising  
Copyright © 2003-2008 Pic-Link. All Rights Reserved   
Powered By: Astang Web Solutions | AroundCebu.Com