“jas… jasper?”
“ui, john right? Sobrang late na pano ka napadpad dito sa cavite? Sa makati ang condo mo diba? Dun ka nakatira? Ahhm anyway yep, jasper po…”
“talagang alam mo kung san ako nakatira” sabay tawa.. “tara muna, may alam ka ba na makakainan? Medyo nagutom kasi ako sa pagmamaneho, malayo ang byahe”
“ah ganun ba? Sige dun tayo malapit sa school ko, may tapsihan dun. yun na lang kasi ang bukas… alam mo na pasado alas tres na…”
“ayos yun, tara sakay ka na…”
Masasabi kong isa iyon sa pinaka masayang nangyari sa buhay ko. Sobrang kilig ang nararamdaman ko dahil kasama ko ang taong minamahal ko. Naiisip ko na sana alam niya ang nararadaman ko, na sana ganun din ang maramdaman niya. Masyadong bitin lahat ang sagot ni John sa akin, lahat halos ng tinanong ko, bitin ang sagot, walang confirmation ang mga statement niya. Naupo na ako sa passenger seat, nagulat na lang ako nang bigla siyang nag-lean forward sa akin, akala ko kung ano na, hinatak niya ang seatbelt sa side ko at ikinabit. “ayan mag-seatbelt ka, delikado ngayon, at kaskasero pa naman ako hehehe biro lang.” hindi na ako nakapag salita.
“nagtatrabaho ka narin ba?” tanong ni John habang nagmamaneho.
“ah oo nagwowork na ako, pero nag-aaral padin ako pero stop lang ako ngayon”
“sa La Salle ka diba? Masscom din?”
“teka nga, kanina ka lang nagtext sa akin at ngaun lang tau nagkita at nagkausap, bakit ang dami mong alam sken”
“hehe… san ba yung tapsihan?”
“ayan na sa susunod na kanto…sana sinasagot mo tanong ko diba… jan ka na magpark sa gilid…”
“mamaya..” yun lang ang sagot ni John.
Medyo naiinis na ako sa mga sagot niya pero nangingibabaw padin ang saya ko dahil kasama ko siya. Siya ang nagtreat ng pagkain, hindi kami naguusap habang kumakain. Matapos ay inalok niya ako ng yosi at nanigarilyo kami sa labas ng tapsihan. Walang usap-usap.
“tara” yun ang bumasag ng katahimikan nang ayain niya ako umalis… pasado alas kwatro na nun. Umaga na talaga. Sabado na.
to be continued...
feel free to post your comments...














