chances (part 5)

Pic-Link  
Search Pic-Link
Home |  Search Members |  My Account |  My Messages  |  My Buddies |  My Journal |  Chat Room |  Classifieds |  Jobs
 Log-In  Sign-Up


 
Top Entries Latest Entries Search Journal
 

 
chances (part 5)
 
Owner: best_buds
Created on: Sep 08 2008 @ 12:56 PM
Last Updated: Sep 08 2008 @ 12:59 PM
Page View: 177

Mood: Goofy Goofy
Share this Journal:
Digg Sphinn del.icio.us Facebook Mixx Google Technorati Live Reddit StumbleUpon MySpace
Send Message
View Profile
View Photos
View Buddies
Add Impression
Add to Buddy List
Read Journals
Report User
 
 

“hahaha… sayo lang un… lahat ng mga gm tagged messages ko halos sau ko lang iyon sinesend”

“what? Di na kita maintindihan?”

“Jasper, natandaan mo un anniversary ng Third? Yung sa malate? Ako yung pinakilala sayo ni Robert.”

“ikaw ba yun? Di ko na matandaan lasing na ako noon eh at madilim pa sa Bed”

“oo nga lasing ka na nga non, from that day on, lagi na kitang tinatanong kay Robert, kaya nga ako napasali sa clan ng wala sa oras eh”

“alam mo hindi ko alam ang sasabihin ko, eh sino naman yung taong tinutukoy mo sa mga message mo”

“sino sa tingin mo?”

“hindi ko alam, alam mo kasi matagal na kitang gusto talaga makilala, mameet, nahihiya lang ako na magtext sayo until last night naisipan ko na mag-gm, gm pa yun. Araw-araw messages mo lang hinihintay ko… marami akong nalaman sau, mula sa kulay ng sasakyan mo, san ka nakatira, hanggang sa paborito mong cake at pizza, basta marami pa dahil lahat yun sa mga gm mo na sinasabi mong sa akin mo lang sinesend at sa kwento ng mga kaibigan ko na naririnig ko lang… hindi ko alam kung totoo lahat ng alam ko pero nung una pa lang nung nakita kita sa friendster naging crush na kita hanggang sa unti-unting nahulog ang loob ko sayo…”

“ikaw yung taong yun jas… isang text lang hinihintay ko sau… sign na sa akin yun na kahit papano alam mo na may ako, na napapansin mo ako… na kasama ako sa mga gm mo… isang text lang… last night I had ur first text message… it really made me happy, late ko na nabasa, pero sinubukan ko parin baka sakaling pwede ka”

“john, hindi ko alam ang sasabihin ko, hindi ko alam kung bakit biglang ganito… di ako makapaniwala sa nangyayari, masyadong mabilis ang phasing, ano ba talaga ang totoo?”

“alam mo kaya puro tungkol sa buhay ko ang mga message ko sayo, kasi iniisip ko hindi ka naman magkakainteres sa akin, inisip ko na lang na balang araw kapag napansin mo ako, hindi na kita papakawalan at wala ka nang dahilan na sasabihin mo na hindi mo ako kilala dahil di ako nagkulang, sinabi ko lahat sa paraan nga lang na hindi ako sigurado kung mabibigyan mo ng atensyon...”

“lahat napansin ko… lahat…”

Nagpatuloy ang ganoong usapan… nalaman ko din na papaalis na si John papuntang Amerika. Malungkot na masaya ang nangyari nung araw na iyon. Linggo na kami nakauwi. Pinili kong i-spend yung first meet namin na mas matagal nung malaman kong aalis na siya. Mga ilang taon siyang kailangan manatili dun. Hindi pwedeng maging kami. Ayoko kahit gusto niya. Walang kasiguraduhan ang mga ganung bagay. Lumipas ang ilang linggo at dumating na ang araw ng pag-alis niya. Naglalakad ako nun sa may Baywalk. Dun kasi ako susunduin ng mga kasamahan ko sa trabaho dahil may inuman kami. Nag-ring ang cell phone ko. Si John ang tumatawag. Pinili kong di sagutin. Alam ko na nasa airport na siya at flight niya that night. Inisip ko na lang na ok na rin yun. Atleast wala akong naging regret at kahit papano alam kong gusto rin pala niya ako.


to be continued...
feel free to post your comments...

 
 
Login to Rate this Journal
Rating: 0 Number of rates: 0
 
 
Add CommentSend this Journal to a Friend




Registered users may write comments here

Comment by: jaguar_88
Posted on: 09-09-2008 @ 12:43 am

ok ka tol...ang sarap at lungkot nman ng lovelife mo...pero ok na yon at napapaligaya ka at nakakapagpaligaya hehehe





 
Help | Privacy Policy | Terms and Conditions | Advertising  
Copyright © 2003-2008 Pic-Link. All Rights Reserved   
Powered By: Astang Web Solutions | AroundCebu.Com